ok na sana ang lahat. kung iisipin, unti unti na umaayos lahat ng bagay sa paligid ko. masaya na sana. before everything was so vague and my life was such a mess. feeling ko walang chance para maayos pa ang lahat ng mga mali sa buhay ko, pero ngayon unti unti na bumabalik sa tama ang lahat. ok na sana. masaya na sana. pero hindi. ang hirap talagang magpanggap na okay ang lahat lalu na't hindi naman talaga. bakit nga ba ganito? bakit ba ang hirap matanggap? bakit hindi ko makuha ang nagiisang bagay na inaasam asam ko ng totoo?
pinipilit ko maging masaya sa kung anu man ang meron ako ngayon dahil alam kong yung tama at yun ang dapat kong gawin. pero bawat oras na miisip ko na wala yung nagiisang bagay na yun, hindi ko maikubli na nalulungkot ako't hindi tunay na masaya. hindi ko maitago na nahihirapan ako, dahil alam kong wala ako nun.
minsan iniisip ko, bakit para sa isang katulad ko, ang hirap makamtan iyon gayung ang iba'y kay daling makuha ito. anu bang problema sakin? sa tingin ko wala naman. pero bakit ganon?!
oo, pinipilit kong maging masaya sa kung anung meron ako ngayon, pero hanggang kailan ko ito kakayanin. hanggang kailan ko maitatago na ang totoo'y higit pa sa kung anung meron ako ngayon ang nais ko. hindi ko alam kung anung gagawin ko. hindi ko alam kung ano ang tamang gawin sa sitwasyon kong ito. ayokong may mawala. ang gusto ko'y may madagdag sa anung meron ako ngayon. takot akong may mawala dahil alam kong di ko kaya pag nangyaring mawala iyon.
gusto ko nalang umiyak. siguro sa takdang panahon malalampasan ko din ito. siguro nga'y tama nalang na itago ko sa sarili ko kung anu man ang nais ko. hayaan ko nalang ang panahaon ang magtakda at sumagot sa mga tanong ko. sana'y magbunga ng maganda lahat ng pagtitiis ko. ayokong mawala ito sa buhay ko... hindi ko kakayanin. ayoko, dahil Mahal na mahal na mahal ko siya. higit pa sa kung anung alam niyang damdamin ko para sa kanya.