still, just a boy
"....always been on the fast lane. i realized, i need to slow down to grow"
Wednesday, July 26
am at skul now
ugh! am sooo tired and its sooooo hot outside...
add to that... am fucking hungry, but i just finished a cheeseburger meal at mcdonals... hehehe..

well decided to check who'd been hoppin by...

haaaaay... am going home in abit.. enjoy ur day guys!!!
Sweeeeeet
I just got up. Am having a headache (huhuhu!) Putol-putol kasi tulog. ugh!

Ok lang, thanks to sweet-sweet Juice for doing this tag for me. Surely made me smile even with a headache. Thanks Juice!!!

IF YOU COMMENT ON THIS PAGE YOU WILL BE TAGGED

THE RULES: If you comment on this post, I will..

1. Respond with something random about you.
2. Challenge you to try something.
3. Pick a color that I associate with you.
4. Tell you something I like about you.
5. Tell you my first/clearest memory of you.
6. Tell you what animal you remind me of.
7. Ask you something I've always wanted to ask you.
8. Pick a song that reminds me of you.

You then must post the same meme and my response in your blog.

Marko by Juice

1. RANDOM
Thanks for trusting me once to do your layout. Hahah
- yeah, u were so nice abt it.. and the layout u did for me was awesome! thank u so much!

2. CHALLENGE
- No partying for a month. Haha kaya?
- huhuhuhu! naman eh! di naman pwede yun!!! iba nalang please??!

3. COLOR
blue.. I just see you as a person who likes blue.. pero not sure ha hehe
- yup i like blue, galing talaga!

4. LIKE
You're not afraid to show your feelings
- halata ba sa mga post ko? ugh! yeah, minsan nga i feel hindi na tama. masyado na akong emo

5. MEMORY
Hmm, first memory? When I came to your blog and you made me laugh at that picture when your foot had a cast and sabi mo new Chucks. Haha natawa tlg ako dun.
- hahahaha! yeah, the newest chuck taylor design, hahaha! natuwa naman ako, never thought may napatawa ako with that post

6. ANIMAL
a cat? hehe i don't know why
- am clueless? kasi may pagka pusa-kal ako? hehehe

7. QUESTION
What's your real name? hehe
- didn't I tell you? ill hit u back at YM

8. SONG
Maneater by Nelly Furtado. Haha I don't know why
- wooohaa! let me dl that song... sorry but i haven't heard that. and why maneater? i don't eat man? huhuhu. feeling ko tuloy para akong canibal? huhuhu.. hehehe


I BElieve
THE BEST OF LOVERS
are
THE BEST OF FRIENDS
Tuesday, July 25
Random Things
mga kung ano-ano lang during the past three days of staying at home...

-----
miss universe
the top20 finalist were already announced when i started watching the pageant... wala lang, am not really a fan but syempre dapat aware ako cause for sure, magiging center of kwentuhan nanaman 'to when i see my party friends.. hehehe!
before the top 5 where announced, i already had my top 2... Ms. Japan and Ms. Puerto Rico. galing nga because they were the top 2 of the pageant.
"so ibig sabihin ba nito pwede na akong maging judge sa beauty pageant? oh, maganda taste ko sa babae?" hmmm... hehehehe!

-----
ulan-ulan
ugh! well, there's nothing wrong with the rain, ok nga yun para di masyado mainit, but kung bagyo naman, argg! nakakainis!!! i can't go out, am stuck at home and nabobore ako sobra! add to that, pagnabobore ako, nage-emo crashing ako...
ewan ko, dati, i used to love the rain so much... not because na sususpend classes.. di ko lang sure but before pag-umuulan, mas masaya ako. feeling ko dati, i get energy from the rain but now, its the complete opposite. ugh!

-----
steaks and gravy
since mom was around and she wasnt doing anything, i asked her to teach me how to cook steaks and prepare gravy... why? cause a special person loves steak.. hehehe.. syempre i should know how to cook these stuffs para if ever may chance, pwede kong gawin diba?! heheheh..
one thing i must say, ang hirap mag grill... hehehe...

-----
battery
unti-unti ko ng nararamdaman na bibigay na ang battery ng cellphone ko... kainis! kung kelan wala pa akong money para bumili ng bagong phone chaka pa umaarte batt ko.. di pa naman ako pwede humingi kay mom or kay dad dahil nagpapagoodshot pa ako.. huhuhu!

-----
teriyakiboy
haaay!? last sunday night, i met up with my badminton friends. after a month of not seeing each other, nagkita kita ulit kami... after we met up sa badminton court, we went straight to megastrip cause one of our friends wanted to treat us for a latenight dinner cause she won a tourney.. hehehe.. buti nalang sa teriyakiboy kami kumain which is one of my faves.. hehehe!
ill post our pics soon...

-----

uggghh... kumakatok dad kong epal...
...... to be continued muna
Speaking of
right after clicking the publish button of my last post.... i remembered that there is a pill that can help me.... hahahaha!!!
why not right?!?!?!?!?!?!?!?
think?????? think???? think??????
Newton's Law
today i remember one of Newton's Law. ..

"for every action, there's an equal and opposite reaction"

the last post that i have.... i was so so happy.... and guess what, right now, well actually since lastnight, ive been feeling so alone and depressed... i feel so pathetic feeling this way...

i guess its not good for me to be "sooo happy!?" cause after that i'll be "sooo sad!?!" so dapat, is should be "mejo happy!?!" para "mejo sad?!" lang after... pathetic!!!!

ugh!

to keep myself from being eaten by me emotions, ive decided to design a new layout for my blog.. its what u are seeing now.. i also changed the title of my blog.. i realized that, yes! i am still a boy... just a boy..

also, its been raining for the past two days... and sad to say, i sooooo hate it when its raining... it adds up to my being an emo crasher..

if only theres a pill available to take whenever i feel like this, i'll buy in lump some.........

haaay!?? i'll just have a smoke break now... i am really not emotionally stable today...
Sunday, July 23
Happy
akala ko boring ang weekend ko. pero hindi pala. yun pala
SOBRANG SAYA!
Saturday, July 22
Miss Universe


wala lang... bukas na yun diba?!
kung wala kayong magawa, visit nyo site nila... infairness naman, interesting and kahit papano maganda updated tayo sa world's most watched beauty pageant at alam natin kahit papano ang history nito diba?! hehehehe..

question: who was the first Filipina to win a special award?

you'll know the answer when u browse through the site... enjoy!!!
kung ano-ano lang
ang hirap pag nasa normal na pagiisip ako. yung tipong hindi ako emo mode or hindi ako galit mode. nakakloko, sobrang bagot. ito ang normal mode ko, walang ginagawa, walang iniisip. well, come to think of it, mas ok na siguro yung ganito noh kesa naman bawat post ko dito eh puro kadramahan lang.

so, kamusta naman kayo?! wala talaga akong magawa so eto nalang.. random thoughts

--- magpapa garage sale ako ---

yesterday, to keep myself from idleness and thinking of the issue that i am having with my "him", i decided to fix some stuffs in my room.. and that included removing old clothes that i dont wear anymore in my closet. it took me 4 hours to remove, sort and fold the old clothes again. at eto sila...




yup... mejo madami siya... at dahil dun, sobrang konti nalang ang natira sa mga damit ko.
huhuhu!
but... but... but... may pera sa basura ryt?
kaya magpapa garage sale ako. ok pa naman yung ibang clothes and pants eh. hehehe!

--- how good i was then!!! ---

while cleaning my room, inayos ko mga abubot sa loob ng room ko... nakita ko yung mga medals and trophies ko na nakuha ko when i was in gradeshool and highschool.
haaay. i never thought i excelled like that before. tama nga sila sayang daw ako kase when i went to college sobrang pasaway ako. di bale, am going back to school this september, wait lang kayo. i'll make everybody esp. my parents proud of me again.




--- anu ang naiisip ko ngayon about "him" ---

naisip ko, kahit ganun.. ok naman eh, siguro madrama lang talaga ako. siguro nga being a masochist, gumagawa lang ako ng sarili kong problem para magkaroon ng thrill ang buhay ko.. tama? hindi ko alam, sabi yan ng best gal friend ko.

haay.. basta ok na ako. finish school muna bago committment. besides, i've gone tired of luking for "someone".. feeling ko kasi dumating na yung best choices ko. sa kanila nalang muna ako.

(biglang nagsalita best gal friend ko w/c is beside me, dito kasi natulog)
"at sino naman yung mga yun!?"....

sagot ko...
"apat sila, yung dalawa kilala mo!"......

yippey! i must say kahit bagot, happeeeeEEE ako! :p
bagot ako (huhuhu!)
saturday nanaman. although maganda ang gising ko because natutuwa ako sa design ng blog ko, thanks again to my younger bro ghostpool, knowing na wala akong plano for the rest of the day, i know it'll be a long one.

yeah! wala akong plano for a saturday. no night out plans... even a movie, wala!
aburido ako ngayon kasi wala akong ginagawa. honestly speaking naman, i dont wanna go out tonight to go clubbing or something, sana nalang... my badminton friends invite me for a game later, mas ok na sakin yun.

basta bahala na. let me try to stimulate my mind nalang, nang makapag post naman ako ng isang mas interesting na write up. ugh!
A Repost

I don't mind spending some time
Just hanging here with you
Cuz I don't find too many guys
That treat me like you do
Those other guys all wanna take me for a ride
But when I walk their talk is suicide
Some people never get beyond their stupid pride
But you can see the real me inside
And I'm satisfied, oh no, ohh

Even though the gods are crazy
Even though the stars are blind
If you show me real love baby
I'll show you mine

I can make you nice and naughty
Be the devil and angel too
Got a heart and soul and body
Let's see what this love can do
Baby i'm perfect for you

My love, ohh oh

I could be your confidante
Just one of your girlfriends
But I know that love's what you want
If tomorrow the world ends
Why shouldn't we be with the one we really love?
Now tell me who have you been dreaming of
At night at home? oh no, ohh

Even though the gods are crazy
Even though the stars are blind
If you show me real love baby
I'll show you mine

I can make you nice and naughty
Be the devil and angel too
Got a heart and soul and body
Let's see what this love can do
Baby i'm perfect for you

Excuse me for feeling
This moment is critical
Might be me feeling
It could get physical, oh no, no no

Even though the gods are crazy
Even though the stars are blind
If you show me real love baby
I'll show you mine

I can make you nice and naughty
Be the devil and angel too
Got a heart and soul and body
Let's see what this love can do
Let's see what this love can do
Baby I'm perfect for you

Baby I'm perfect for you

Even though the gods are crazy

Even though the stars are blind

Even though the gods are crazy

Even though the stars are blind

-------------------
a repost from my friend, Jeremy....
Thank You!!!
a big THANK YOU!!! to my younger brother, Ghostpool, for fixing my blog template!
Waaaa! I'm all smiles right now! Galing galing mo kapatid!
Friday, July 21
Kainis
bakit ganun!? hindi ko maayos template ko. am using defaults na nga from blogger tapos ganun parin. huhuhuhu!!!
Thursday, July 20
Araw Na'to
i just got home. i was with my "him" awhile ago. we met up and decided to have dinner. it was fun. dami ko ngang nakain. but kanina.. hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko... if im happy or not. i dont know what i am feeling kasi magulo. hindi ko maexplain.

well, yes masaya ako coz i am with him but nararamdaman kong may mali sa nararamdaman ko. naguguluhan ako. parang may nagbabago. natatakot din ako cause i am seeing alot of things that could happen that i didnt see before. magulo, nakakatakot... gusto kong umiyak abt it ngayon.

sa totoo lang, may mas maraming bagay akong dapat isipin kesa sa bagay na'to... like yung away namin ng dad ko kagabi but natabunan na iyon and my mind is revolving on this issue. isang issue na matagal ko ng gustong mawala.

am so sentimental nga siguro. kanina while we were talking, bawat salita na sinasabi niya sobrang dina-digest ko na parang chocolate, ika nga.. ninanamnam ko. may mga bagay na napagusapan kami at sinabi siya na aaminin ko, nasaktan ako. i dont wanna go into details but yes, nasasaktan ako pag may mga bagay na sinasabi siyang hindi maganda ang interpretation ko. alam kong hindi naman dapat at hindi niya kasalanan dahil yun ay mga sarili kong interpretation but talaga.. nasasaktan ako. ewan ko kung nararamdaman o nakikita niya yun pero alam kong tinatago ko yun sa kanya.

actually, i promised myself that ill hide everything that needs to be hidden from him. and that everything is what i really feel. mahirap.. sobrang hirap pero kailangan at alam kong yun ang dapat.

why is it that some people find it easy to pretend but bakit ako hindi. well siguro unti-unti, siguro natututunan ko ng gawin yun... ang magpanggap dahil nagagawa ko ng ngumiti sa mga bagay na hindi naman talaga nagpapangiti sakin.

kanina.. on my way home. nasa loob ako ng tricycle. bigla akong nakaramadam ng ibang takot. different things came rushing through my mind that almost led me to cry and almost made me send him emo sms. but, i held on and controlled myself.

at this very moment, pinagiisipan ko yung mga bagay na nagbigay ng takot sakin. am trying to figure out how i could get them off my mind and, i want trying to figure out ways on how to keep myself from being hurt if those things start to happen.

sabi nga nila, its better if you're ready for the worst. i guess i have to be.

pero sa totoo lang... iniisip ko pa lang, sobrang nanghihina nako. hindi ko yata kakayanin pag nangyari yun. alam ko mahal ko siya, at pag sinabi kong mahal, ibang klaseng pagmamahal, higit pa sa kung anu ang iniisip nyo.

hindi ko kakayanin. ayoko. sana hindi mangyari. magtitiis ako kahit habambuhay, wag lang mangyari na makita ko siyang nasa piling ng iba... sa iba tapos sasabihin niya sakin...
"&$@%! Mahal na mahal ko sya."

-----------------------------
i am listening to this song while writing this post.....



why... why... why...
napakariming tanong... pero sa lahat ng yun... ang sagot lang ay...
dahil mahal kita...
For The Meantime
since i cannot fix the template that i was using before... let me use this for the meantime. alam ko di maayos so sorry po for the inconvenience. i dont have time yet to fix it kasi. haay. daming nangyayari lately...... haaay ulit.
Huhuhuhu!!!
nagloloko nanaman template ko!
kainis naman! anu ba!?!?! pati ba naman blogger, dumadagdag pa!! waaaaaaaaa!!!
Bwisit Talaga!!!
Kamusta naman ako?!!?!? As usual, madtrip nanaman ako. Bakit?! Kasi, nagsisimula nanamang mambwisit ang epal kong D^%&^Y sa mga pangangaral kuno nya. Haay!? Nakakainis!
Actually kakagising ko lang at namamaga nanaman ang mata ko. Later, I'll give full details and kung anu ang nangyari. Sa ngayon, breakfast muna ako.
Nga pala, namamaga mata kasi umiyak nanaman ako kagabi, this time dahil sa epal kong D^%&^Y at umiyak ako dahil sa sobrang inis! Aauuurrrggghhhh!!!
Later........
Wednesday, July 19
Just A Song



GOODBYE
by: Juana
Didn't mean to hurt you badly
Don't think that I am fooling around with you
So sorry for the time you've wasted on me
So sorry for the things that you went through
But I know that the problem's within me
You're so nice but your love don't deserve me
Or maybe I'm just so scared to fall in love again
I can still remember the days
So many times, I've been hurt
So much trust I put on a relationship
So much suffering I got and the pain still remain
Know I like you but I don't wanna take the risk
So confused and I don't know how to deal with it
Need some time for awhile before I give my heart away
CHORUS
Don't say goodbye
Don't say goodbye
I need some time for awhile before I give my heart away
Don't say goodbye
Don't say goodbye
I need some time for awhile before I give my heart away
Now, I know I wasn't thinking before
That's why I'm always ending up with Mr. Wrong
Learning from the past, don't wanna make a mistake
You could be Mr. Right or could be a fake
You know I like you but I don't wanna take the risk
So confused and I don't know how to deal with it
Need some time for awhile before I give my heart away
[Repeat CHORUS]
[Repeat CHORUS]
Anu Ba Yun?
Nakakaloko!
May mga pangyayari kagabi ni hindi ko inaasahan. Hindi ko alam kung matutuwa ako or maiinis. Haay. Chaka ko na ikukwento. Hilaw pa ang balita. Pahinugin muna natin. (Hehehehe!)
Tuesday, July 18
Talk About
Talk About................... uurrrggghh!

I am sitted infront of my PC, trying to calm and control my emotions when I overheard a line from one telenovela. (people here at home are watching Sa Piling Mo)

"Ang pagtitiis ay para lamang sa mga nagmamahal. Kung hindi mo siay mahal, wag kang magtiiis dahil kung ganon, niloloko mo lamang ang sarili mo"


..... somehow it made me smile and ofcourse again...think. Nagtitiis ako dahil mahal ko siya. Nagmamahal nga ako ng totoo.
Masaya na Sana
ok na sana ang lahat. kung iisipin, unti unti na umaayos lahat ng bagay sa paligid ko. masaya na sana. before everything was so vague and my life was such a mess. feeling ko walang chance para maayos pa ang lahat ng mga mali sa buhay ko, pero ngayon unti unti na bumabalik sa tama ang lahat. ok na sana. masaya na sana. pero hindi. ang hirap talagang magpanggap na okay ang lahat lalu na't hindi naman talaga. bakit nga ba ganito? bakit ba ang hirap matanggap? bakit hindi ko makuha ang nagiisang bagay na inaasam asam ko ng totoo?

pinipilit ko maging masaya sa kung anu man ang meron ako ngayon dahil alam kong yung tama at yun ang dapat kong gawin. pero bawat oras na miisip ko na wala yung nagiisang bagay na yun, hindi ko maikubli na nalulungkot ako't hindi tunay na masaya. hindi ko maitago na nahihirapan ako, dahil alam kong wala ako nun.

minsan iniisip ko, bakit para sa isang katulad ko, ang hirap makamtan iyon gayung ang iba'y kay daling makuha ito. anu bang problema sakin? sa tingin ko wala naman. pero bakit ganon?!

oo, pinipilit kong maging masaya sa kung anung meron ako ngayon, pero hanggang kailan ko ito kakayanin. hanggang kailan ko maitatago na ang totoo'y higit pa sa kung anung meron ako ngayon ang nais ko. hindi ko alam kung anung gagawin ko. hindi ko alam kung ano ang tamang gawin sa sitwasyon kong ito. ayokong may mawala. ang gusto ko'y may madagdag sa anung meron ako ngayon. takot akong may mawala dahil alam kong di ko kaya pag nangyaring mawala iyon.

gusto ko nalang umiyak. siguro sa takdang panahon malalampasan ko din ito. siguro nga'y tama nalang na itago ko sa sarili ko kung anu man ang nais ko. hayaan ko nalang ang panahaon ang magtakda at sumagot sa mga tanong ko. sana'y magbunga ng maganda lahat ng pagtitiis ko.
ayokong mawala ito sa buhay ko... hindi ko kakayanin. ayoko, dahil Mahal na mahal na mahal ko siya. higit pa sa kung anung alam niyang damdamin ko para sa kanya.
Isang Magandang Umaga at Isang Joke
Good Morning peeps! Haay. Kakagising ko lang actually at eto nanaman ako sa harap ng PC ko. Hindi rin naman ako magtatagal kasi I still need to prepare my stuffs and myself for school.

But before I leave, let me show you something I saw from Deejayz blog.
Tawa ako ng tawa, hanggang ngayon. Hehehehe! Check it out. Asteeeeg!!!

Monday, July 17
Haay...
Sabi nila, kung mahal mo daw ang isang tao, dapat handa kang gawin lahat para sa kanya. Dapat handa kang magbigay at magsakripisyo. Kung totoo ito, ibig sabihin lamang na nagmamahal nga ako ng totoo.
Bakit? Kasi tinanggap kong maging matalik kaming magkaibigan lang kami kahit sa totoo, higit pa dun ang nararamdaman ko sa kanya.

Well, masaya ako dahil kahit ganun, marami din naman akong napaptunayan at natutunan, tungkol sa kanya at sa sarili ko. Mabuti na din siguro na ganito para mas makilala namin ang isa't isa. Sa totoo lang, unit-unti na kaming mas nagiging at ease sa isa't isa. We slowly developing something good. A friendship thats so special. Masaya ako, Oo!

Ngayon, wala na akong mahihiling pa. Ok na ako na kahit ganito. Sa totoo lang, feeling ko ung "tag" lang naman ang kulang sa amin... feeling ko lang ha. Pero ok na ako ng ganito. Kuntento at masaya ako.
Am Happy That We're Okay Now
its been awhile. its been more than a year. ang tagal ko din hinantay dumating ang araw na'to. ung araw na maging ok tayo. ung nakakapagusap tayo.
honestly, i never expected na darating pa itong araw na'to. i thought we'll stay cold at each other but thank God that we're in speaking terms now. i know i've said that i can or will never be friends with you, but i was so wrong. ur too special to be forgotten. haaay. sobrang saya ko at ngayon okay na tayo. 'di mo lang alam.
thanks..... namiss kita ha!!! :p
I've Been Busy
For the past days I've been busy. Not very busy, medyo lang. Ano-ano ba ang mga ito. Read on.

1. Going back to school (Yippey!!!)

Yes. After a year and a half of stopping from school, I've finally decided to go back to school, and this time, I
seriosu with it. I've been processing my papers cause I'm transferring from San Beda College to DLSU-College
of Saint Benilde. Mejo nakakapagod cause pabalik-balik ako like this coming Tuesday, I need to go to CSB again
to check on my application. Haaay?! Well nakakapgod yun. But okay lang. I so want to go back to school naman eh. By September, isa nanaman akong estudyante. Honestly, mejo kinakabahan ako at natatakot because it's
been almost 2 years since I last went to school. Feeling ko di na ako marunong magsulat. Pero, excited din ako
at the same time. Maninibago lang talaga ako siguro kase nasanay nakong nagwowork. Haay. Tagal naman ng
September.

2. iTunes and Limewire

I was looking for some songs in my iTunes tapos hindi ko mahanap. Nainis ako! I realized hindi pala maayos
ang names ng mga mp3 files ko, both in Limewire and iTunes. Tapos nalaman ko din na hindi synchronized ang iTunes and Limewire ko so ayun, I decided to individually fix/edit the names of the files para mas
madali kong masearch next time. Hanggang ngayon, nageedit parin ako at wala pako sa kalahati. I have more
than 1500 mp3 files at nasa 600plus palang ang naeedit ko. Imagine, am editing the title, genre, artist and
album. Hirap pa pag hindi ko alam yung artist and album, kailangan ko pang magsearch sa web. Define effort.
Pero ok lang. May maganda namang maidudulot to. Hehehe!

3. Reconnecting

There was one night when I got my photo album from my cabinet. I flipped through the pages and started
reminiscing the past. Ang dami na talagang nagbago. And nakakalungkot cause I don't have contact with
my old friends, especially my HS friends. So, ang ginawa ko, I wrote their names on a yellow paper and I logged
on to Friendster at isa-isa kong sinearch mga profile nila. Good thing most of them are search-able. I
added them up and exchanged number para once in awhile we could make "kamustahan". Tapos once they've
added me up, I browse through their friends to check if I know someone that's not on my list. Ang saya. Also,
unti-unti (just like what I've said on a previous post), I'm making everyone on my Friendster list, a testimonial.
Syempre, may kapalit, testi din for me. Hehehe! Its really nice to reconnect with old friends. Daming kwento.
Can't wait for the class reunion that my HS friends are planning this August. Waaaa! Malalasing nanaman ako
nito. Waaaa!

4. CSS & Blog Templates

Dahil nainggit ako kay Juice kasi ang galing galing niyang gumawa ng template, I started browsing through
pages on how I could learn to use CSS, Web Designs esp. for Blog pages. Haay!? Hirap pala. Ayan kakatesting
ko, nabura ung luma kong template na ginawa ni Juice para sakin. (huhuhu)
Calling Juice.... help! help! help!

5. Cooking

Well, as preparation for school this September. I'm asking people around to teach me some recipes. FYI: I'm
taking up BS HRIM in DLSU-CSB this coming September, so I need to know how to cook although marunong
naman ako ng konti. My mom came from a family of chefs so saya pag nagpapturo sa kanya. Minsan nga lang
tinatawanan niya ako pag nagluluto ako. Ang arte ko daw. Hahaha! Chaka ok din palang past time and pagluluto
lalo na para sa isang tulad kong gustong tumaba.

Well, yan ang mga pinagkakaabalahan ko ngayon. Ang saya noh?! Kayo? Kamusta naman kayo jan?!

Wednesday, July 12
Isang Paglilinaw
napansin ko lang na marami ang nagreact (text/privmsg) sa last post ko. just wanted to clear it out, dami kasi nagtatanong kung sino si Budz. so, para sa impormasyon ng nakararami, Budz is my new found best friend. basta, mahabang kwento. Single parin po ako (hehehe!) kaya huwag niyo muna akong icongratulate (hahaha!). I'll post it, no doubt! pag meron na, pero mukhang matatagalan pa yun.
Till here.
Tuesday, July 11
Happy Monthsary
today I celebrate the day I met my....
B-u-d-Z-z !!!
Happy (1st) Monthsary ! ! ! !
thank you for coming into my life... ur myANGEL !!!
hugs and kisses!!!

Saturday, July 8
Sabado ng Gabi
Sabado nanaman at ano pa nga ba kundi mamaya maghahanda na ako para lumabas... para gumimik. Saan? Kahit saan sa Makati. Malamang sa Greenbelt muna, dinner with one of my friends tapos I'll go clubbing somewhere kasama naman ang best buddy ko.

8pm na. Maaga pa para mag ayos. You know naman, party starts at 12mn but since I'll be having dinner with my friend mukhang kailangan pagkatapos ng post na'to eh magayos nako. Matagal pa naman akong maligo at mamimili ng damit. Haaay?!

Nakakainis. Umuulan ngayon! Medyo nakakatamad umalis ngayong gabi kasi nga umuulan, pero Sabado ngayon! Gimik night! Isa pa, buong linggo akong nakakakulong dito sa bahay. Umaalis lang ako pag kailangan, kaya sayang naman.

Imagine nyo, 16 palang ako gumigimik nako. Nagsimula ako sa Malate, tapos Libis, tapos Timog tapos ngayon Makati nalang. Dati todo ang bar hop ko with my friends. Anjan yung 5 bar or club ang napasukan namin in one night. Pero alam nyo, never ko pang naexperience yung umuwi ng nagsusuka because of too much alcohol. Hindi naman kasi ako mahilig uminom. Kwentuhan lang, konting beer tapos sayaw lang... ok nako.

Sa totoo lang, minsan nagsasawa na akong lumabas at pumarty. Siguro I'm starting to get tired of it. Ewan ko lang ha. Minsan lang naman. Siguro crashing lang ako ngayon. Nageemote! Hahaha!

Kainis talaga. Ang lakas ng ulan ngayon. Wala pa namang pwedeng maghatid sakin sa Makati. Yung best buddy ko nandun ng maaga kasi may imimit, sabay sana ako pero wag nalang. Cab nalang. Hehehe. Kakahiya. Hehehehe!

Haaay?! Sabado Night. Ganito nalang ba lagi? Kelan kaya mauulit yung Sabado ng gabi na may susunduin ako tapos magkasama lang kami buong gabi... sweet tapos hahati d ko sya sa bahay nila. Alam nyo naman siguro ibig kong sabihin noh?! Hmmm. Hindi kaya, ngayon gabi makilala ko na sya? Sa tingin niyo?

Alam nyo, halos lahat ng naging partner ko nameet ko sa gimikan. Hahaha! Am not saying na kaya ako gumigimik dahil umaasa ako na may makilala. I go out and party to enjoy and be happy with my friends, not to hook up or anything else! Basta yun. Wala lang. Naisip ko lang yung thought ng Saturday intimate date with someone. Wala lang. Emo na nga talaga ako. Haaay?!

Ayan. 8:30 na. Magaayos nako.
Subukan kong magpost ng pics from my gimik tonight.

Kayo? San gimik nyo? Kung saan man, ingat kayo!
Enjoy the night!

Thursday, July 6
Ang Aking Wish List
My Wish List..... sa ngayon
(Unang Lima)

1. Sana tumaba na ulit ako!
By the end of this month, dapat pumatak ng 145lbs or 150lbs and timbang ko. Sa ngayon, ako ay under-weight at 132lbs. Siguro naman sa tulog ng magical chinese tabs na iniinom ko,
tataba ako. It did work the last time yun nga lang mukha akong may manas. Hahaha!

2. Sana September na!
Gusto kong sumakay sa isang time machine at i-fast forward ang oras. Sana September na!
Bakit? Kasi, am going back to school na! Na-miss ko din mag-aral ha! At sa totoo lang, hindi ko
lubos naisip na mami-miss ko ang mag-aral. See you CSB!!! Animo!

3. Sana makapag work-out na ulit ako!
Ang aking kaibigan na nagbibigay saken ng free membership sa isang fitness center ay nag
resign na so ibig sabihin, wala na din akong free membership. Kainis! Wala pa naman akong
credit card na pwedeng gamitin for membership! Huuhuhuhu!!! Kawawa naman ako! Try ko
kaya yung tita ko? Sana okay lang sa kanyang maki ride ako sa credit card niya. Hahaha!

4. Sana makapagpalit na ulit ako ng mobile unit!
Hindi ako maluho ha! Baka isipin nyo maluho ako. Hindi po! Kaya nga wishlist diba?!
Wala lang. Gusto ko lang ulit magkaroon ng 3G na phone dahil ang phone ko ngayon ay hindi
3G. Oo! Dati may 3G ako, pero isa ako sa mga minalas na kalabitin at hold-up-in! Huhuhuhu!
Yung w900i ko! Waaaaaaaa! Kulang nalang, sabunin ako ng Mommy ko nung nawala ko yun!
Pakiramdam ko, matatagalan pa talaga bago ako makapagpalit ng phone dahil medyo
may kamahalan yung huling kong phone na nahold-up sakin! Parusa talaga! Sana yung nang
hold-up sakin masagasaan! Waaa!

5.
Sana magka-Love life nako!
Akala nyo siguro meron akong lovelife, pero wala. Akala ko din meron pero wala. Magdadalawang taon na akong walang tinetext ng "I love you!" at ng kung anu anu pang sweet nothings. Nakakamiss na. Kahit MU lang pwede na or date, pero mukhang walang magkamali. Hay naku! Nagiging emosyonal ako pagdating sa bagay na'to. Feeling ko kasi I was born to be a lover pero sino mamahalin ko? Yung aso namin? Makikiss ko ba yun?! Haaay!!!

......... ito muna sa ngayon pero marami pa akong hinihiling! (Abangan ang karugtong!)

Tag-Ging?
Napansin ko lang. Kaka blog-hop ko... napansin kong halos lahat ng tao na tag na... Ako di pa!?!?! Hahaha! Ok lang. At least diba?! Walang sapilitang entry... hahahaha! Pero ngayong wala akong magawa, kailangan ko yun...................................................................... haaay?!
(tawa lang ako!)
Making Idle-ness Usefull
Dahil hanggang ngayon wala parin akong magawa... may naisip akong isang magandang ideya...

Gagawan ko lahat ng friends ko sa Friendster ng testi!

oh.. eh di mas ok diba?! kaya kung kayo... mga mambabasa... if you want some testi's... make sure nasa list ko kayo... hehehe!

pero syempre... blog hop muna!!!

Wednesday, July 5
Try This
Something my younger brother taught me...
Follow the instructions....

1. go to http://google.com
2. type in on the search box the word "Failure"
3. instead of clicking "Google Search", click on "I'm feeling lucky!"

now... ask yourself why that webpage uploads infront of you. i myself don't know.
just sharing an info. don't you find it weird?
World Cup Fever
All this World Cup fever has come to me... So ayun! Halos buong araw yata akong nagbabasa ng mga articles tungkol sa FIFA WORLD CUP!

Now, I'm just waiting for the recorded tapes na hiniram ko sa friend ko na adik sa football. Isang matagalang marathon ito mamayang gabi. Am watching the games played already!

Sa totoo lang, si David Beckham lang ang familiar sakin pagdating sa football. So far medyo meron na akong alam na bago. Ewan ko, nag football naman ako sa PE sa school pero bakit hindi ko nahiligan yun?! Siguro kasi mainit pag naglalaro ka ng Football, sa field yun noh!? Lalu na sa field ng San Beda! Haay! Kainit!!!

England sana ang team ko kasi nga andun si Beckham, eh natalo sila eh so Portugal nalang ako. Bakit? Ewan ko. Siguro kasi halos lahat ng kakilala ko, Portugal ang gusto. Isa na dito si _ _ _ _ !!! (hehehe!)

so...


Go PORTUGAL ! ! !
Wala akong Magawa
Sa totoo lang, hindi ako magaling magsulat. Siguro naman halata sa mga posts ko dito noh?! Feeling ko nga, this blog is more of a freedom board kesa sa online diary. Hehehe. Wala namang masama diba?!

Oh well.. I am so bored right now. Kaya eto. Puro mukha ko nalang muna popost ko. Enjoy!



Sige tawanan nyo lang mukha ko. Hehehe!
SIMULA
pagod na akong maging malungkot... pagod na akong umiyak... pagod na akong mag-isip ng kung anu-ano... pagod na akong pilitin ang sarili kong maging masaya... pagod na akong mabuhay sa ganito klaseng mundo...

dalawang taon... dalawang mahabang taon ang sinayang ko dahil lamang sa nasaktan ako... hinayaan kong kainin ng sobrang sakit ang aking buong pagkatao... pero tama na... ayoko na..
nakita ko na ang dapat makita at nadama ko na ang mga dapat madama.. at sa wakas... natutunan ko na ang dapat na matutunan...

ngayon... sisimulan ko ng ibangon ang sarili ko...
magiging mahirap para sa aking ibalik ang buhay na iniwan ko, 2 taon na ang nakakalipas pero kakayanin ko... at kung kailangang iwan at kalimutan ang mga bagay na akin ng nakagisnan para lamang matupad ang nais ko, gagawin ko.

ito ang hudyat ng bagong ako... isang bagong buhay na tatahakin ko...
isang bagong MARKO... ang tunay na MARKO...


A BIG THANK YOU !!!
......just wanted to say THANK YOU to.....

Juiceee (for doing my template)
&
Rob
(teaching me how to use blogrolling)

THANKS A BUNCH!!!
YOU TWO ARE THE BEST!!!

Monday, July 3
You Said... and I Replied
you said.....

"I've always wanted to be free to fly away and never return. To soar up high until the height may never be seen. But then, somewhere beyond that, I wish to be owned, to be held and never to let go."

i replied...

"Fly away as high as you can. And when the time comes that you get tired of so much height and too much flying. I wish my arms are still free for you to land on. "

"The greatest battle ever fought by anyone is the battle of love that cannot be yours. No matter how strong your shield is or how sharp your sword, the bleeding cannot be prevented and the hurt will never be concealed. For the wound of the body can be healed but the wound of the heart will forever leave a scar that will remind you of a battle that you never won."
Saturday, July 1
Pictures
Here are some pictures (me & my friends) during the Welcome Party for the Pride Celebration, June 23 and on Bliss White Party at Government last June 24.